Patikim Mark Angeles

ISBN:

Published: 2011

Paperback

50 pages


Description

Patikim  by  Mark Angeles

Patikim by Mark Angeles
2011 | Paperback | PDF, EPUB, FB2, DjVu, talking book, mp3, ZIP | 50 pages | ISBN: | 6.72 Mb

Unang aklat na nabasa ko na sinulat ni Mark Angeles na kilala rin sa tawag na Macoy Dacuycoy. Una kong narinig ang pangalang ito mula sa isang kaibigan dito sa Goodreads. May kapangalan ang makatang ito sa opisina namin. Akala ko tuloy ay may kaopisina akong nagmo-moonlight bilang isang makata. Iba pala.Kayat noong makita ko itong aklat na ito sa Bookay Ukay, binili ko. Masubukan nga (o matikman) si Mark Angeles.Madamdamin ang marami sa mga tula. Meron ding mga pilyo. May mga pahaging sa seks - hetero at homo. O iniisip ko lang na homo dahil di ko naman alam kung ang sumasambit ng tula ay isang lalaki o isang babae.

Minsan ay mayroong palatandaan na ang tumutula ay babae at ang inilalarawan niya ay isang lalaki. Minsan namay wala, natural na ipagpapalagay koy isang lalaki ang tumutula at si Mark iyon. Ang tula para sa akin ay pinaka-personal na porma ng panitikan. Kayat masaya ang magbasa ng tula: piling-piling mga salita upang ibuhos ang mga damdaming nananahan sa kaibuturan ng puso ng isang makata.

Kung hindi nagmumula sa puso, hilaw ang tula. O di kaya ay cerebral. Pag cerebral, mula sa utak yon. Mas maganda ang tula, lalo nat nasusulat sa Filipino kung itoy mga pangungusap o pariralang mula sa puso. O romantiko lang ako. O sentimental na tao. Di ko alam.Gaya ng nakagawian ko sa pagbabasa ng aklat ng mga tula, itinutupi ko ang mga pahinang nagustuhan ko at ito ang mga sumusunod:Sentimental lang siguro nga ako.

Ramdam ko ito sa mga huling linya ng Memorya na parang lumilipat sa akin ang pait na nararamdaman ng makata. Pansinin ang sakit na nais ipadama sa tulang ito:Biglang nahilam ang mga mata ko. Ewan.Kinusot ko na lamang. Baka may makahalata.Lahat daw tayo ay bahagi ng mga piraso.Mga mumunting piraso na bahagi ng sanlibutan.May natira pa yatang mga piraso niya sa akin.Tumutubo yon araw-araw.

Hindi niya iyon alam.Tumingala ako sa kalangitan at bumulong ako.Sa mga anghel, pakisabi sa kanya, naghintay ako dito.Naghintay ako dito. Naghintay ako. Pakiusap, pakisabi.Naibigan ko rin yong tinatawag na subtlety na parang nagpaala-ala sa akin ng istilo ng tula ni e.e.cummings. Lutang ito sa Tahimik Kong Pinagmasdan.Ito na ang buong tula:Tahimik kong pinagmasdanang pag-angat ng lupang mga dahonPinakamatamis kong pag-ibigna unti-unting lumalabosa isip koIsang bangkang papelna lumutang sa lusakpalayo sa akinTahimik kong pinagmasdanPansining di gumamit ng kahit anong pananda (marks) si Angeles dito.

Parang ang dating sa akin ay parang mas maging malinis o malaya ang tula. Parang lumilipad na dahon o umaalagwang bangka sa malusak na pusali. Malaya at busilak na damdamin.Sa Bahay-bahayan mararamdaman mo ang dalamhati ng isang lalaking iniwan ng kanyang kalarong lalaki rin na minahal niya noong silay mga bata pa. Homosexual na kung homosexual, parehas lang tayong mga taong kapwa nagmamahal.

Hindi naman lahat maramdamin, sa Sabi ng Kabinet ginawa ni Angeles na punto de vista ang isang simpleng kabinet na gawa sa kahoy. Walang pumapansin o bumibili sa kanya kayat ang pobreng kabinet ay nangakong hindi lang damit ang kanyang iingatan kundi na rin ang mga alaala. Tapos noong makita niya ang iyong mga mata ay nasambit niyang hindi nasayang ang aking paghihintay.

Tao pala ang diyaskeng kabinet hahaha. Kontemporaryo naman ang kanyang gamit na salitang Taglish sa Inlababers kanebers? at makakarelate ang mga jologs. Ang pangatlo at huling talaga bilang halimbawa: Kiss na, bebe. / Shower na me. / Tiklop-tuhod, / Lets make tuhog. Parang Eros Atalia lang. May mga tahasang tula rin na walang pakialam sa paglalarawan ng seks kagaya ng Nang Kumislot Maging ang Budhi na maaaring ika-turn off ng mga taong di sanay sa matapang na paglalarawan ng mga taong nagniniig.Pero gaya ng dati, kung pipili ako ng isang tula sa koleksyon, ito yong Papel, Gunting, Bato.

Ako na simple lang talaga ang tipo sa mga tula dahil bago pa lang akong nagbabasa ng ganito:Papel, Gunting, Bato:subukin sa sangkatlo.Alin ang puso mo?Papel na lilipad,gunting na magtitilad,o batong titibag?Papel, Gunting, Bato:Alin ang puso mo?Galiing di ba? Mantakin mong maisip ni Mark Angeles na iugnay ang choices sa bato-bato-pik sa puso.

Ikaw na, Macoy Dacuycoy!!!Mabasa nga ang Emotero at Threesome. Tagahanga mo na ako, Mark Angeles!



Enter the sum





Related Archive Books



Related Books


Comments

Comments for "Patikim":


reise-clever.com

©2009-2015 | DMCA | Contact us